January 31, 2010.
Isang nakakabadtrip na araw. Umuwi ako ng bahay para malamang pagagalitan lang ako ng aking ama dahil sa hindi ko pagrereply sakanya. Paano ba naman ako magrereply eh ang tinetext niyang number ko ay yung nawala noong nabugbog ako. Ito ang araw na pakiramdam ko ay darating na ang pinakaboring kong kaarawan. Binati ako ng maaga ni Cierine at ni Pau sa isang malamig na gabi.
February 01, 2010.
"Happy Birthday!", bati sa akin ni Recee na sumakto sa oras na 12:00AM. Maya-maya pa ay nakatanggap na din ako ng bati mula kay Faith, Jackie at Jaybee. Noong nakaramdam na ako ng antok ay natulog na ako. Sa aking pagising, natanggap ko ang pagbati ni Daddy, Ate, Kuya, Mommy, Rap at Kim. At sa paglipas ng hapon ay dumating na rin ang kay Bona, Dale, Reggae, Alex, Morz at Ivan. Hindi ko alam pero malungkot pa din ako sa maghapon, pakiramdam ko kasi nakalimutan ng matatalik kong kaibigan ang araw ng kaarawan ko. Nagbukas ako ng facebook at marami rin pala ang bumati dun. Kinagabihan, nag-group message na ako at nagpasalamat kahit na parang pakiramdam ko ay walang kwenta ang araw na iyon. Saka lamang bumati sina Dena, Rap(CWTS), Shoti at Christian. Matutulog na ako ngunit bago natapos ang araw ay dumating ang mga mensahe ng matatalik na kaibigan ko na nagbigay ngiti sakin sa pag-aakalang kinalimutan nila pero sinasadya pala. Sa wakas, nagtext din si Aira, Jilly at Mark.
February 02, 2010.
Unang araw ng linggo na papasok ako. Masaya naman, sakto lang. Sa pagpasok ko ay bumati na ng "belated" ang iba. Pinuntahan ko rin si Eunice na tinext ako nung umaga dahil gusto niya raw akong makita. Kinagabihan, nag-sama sama na kami kasi treat ko na. Pero binagabag ako ng sinabi ni Aira na, "wala ka kasing isang salita. akala ko ba ngayon mo ko sasamahan? tapos ipagpapalit mo ko sa mga kaibigan mo? wag mo kong kausapin galit ako sa'yo". Nagtampo ang besty ko. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko alam na ganon pala kahalaga sa kanya ang makasama ko sa araw na pinangako ko. Kumain na kami sa Sicilian sa may Dapitan dahil suki kami dun at masarap naman talaga dun. Marami kami, masaya. Andun si Mark, Recee, Eunice, Cierine, Christian, Ronald, Alec, Pau at Angelo. Sobrang pinasaya nila ko. Salamat sa regalo ni Eunice at Mark. At salamat din dahil kahit minsan lang sa isang sem, napapagsama-sama ko ang mga kaibigan ko kahit madalang. Masaya pero malungkot din dahil nagtatampo si Aira.
February 03, 2010.
Ayan may practice kami ng presentation para sa GA ng EE sa sabado. Nakakapagod din dahil ako ang choreo ng section. Hindi pa din ako kinakausap ni Aira. 6:00PM, nag-klase kami sa SMAT. Sobra ang pagod ko kaya hindi ko sinasadyang makatulog kahit 2 oras ang klase. Sa pag-alis ni ma'am, ginising na nila ako at 3 na lang pala kaming natitira sa classroom. Lumabas ako ng pintuan at nandun si Aira na nagalit sakin at sinabi kung gaano kasama ang loob niya. Maya maya pa, ngumiti si Besty(Aira) at umalis sa pintuan para makita ko ang buong klase sa koridor na kumakanta ng happy birthday para sakin at may cake at regalo pa. Sabi ko na nga ba, pakulo lang pala yon lahat ni Aira. Salamat. Ang saya. :) Sa pag-uwi namin ay kumain kami sa Andok's sa EspaƱa kasama ang grupo sa EEB na mas kilala dahil mga regulars "daw". Ako, Reggae, Rap, Kim, Aira, Faith, Jaybee at Guba. Samantala, nakasalubong ko si Mark na niyaya ko magpart two sa treat ko. Niyaya ko na rin sina Christian, Alec, Angelo, Homer at Recee. At ayan, ang inakala kong pinakamalungkot na kaarawan ko ay naging ang pinakamasaya at mahaba kong kaarawan. :)