Showing posts with label tragedy. Show all posts
Showing posts with label tragedy. Show all posts

Saturday, October 24, 2009

Ambush.. Gangbang.. Hutaena..

Kakatapos lang ng finals at masaya ang araw ko. Marami akong kasama. Nag-enjoy kami lahat. Kumain. Uminom. Nagkwentuhan. Noong bago kami pumunta sa Trinoma ay marami talaga kami, pero sa inuman ay konti lamang ang natira. Ako, sina Recee, Ronar, Cierine, Pau, Homer, Angelo, Christian, Leo, Alec at Ayban. Uwian na, at inihatid ko si Cierine sa bahay nila.

Masaya na ang gabi ko. Kumpleto. At nag-darasal na regular ako next sem. Nagtetext ako nuon at naglalakad. Mula sa Lacson St. ay tumawid ako. Naglalakad ako sa España, at pagdating ko sa madilim na overpass ay biglang. Boom! Isang matigas na bagay ang tumama sa likod ko. Mayroong malaking lalaking humawak sa likod ko at 5 ibang mukha ang sumuntok sa akin sa katawan. Puro sa tiyan, at sa ulo. Hindi naman lahat ay nakibugbog. Ewan ko, paano ko malalaman kung nakayuko ako. Sa lakas ng mga suntok nila ay nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Bumagsak ito, nakalas. Pinulot ito ng isa sa kanila at habang wala na kong lakas para tumayo ay nagtakbuhan na sila. Nabilang ko, 8. Ang isa ay nadala pa ang bag ko ngunit nahawakan ko rin at binitawan niya matapos kong masuntok ng isa. Marahil ay napagtripan lang ako, wala silang balak kumuha ng kahit na ano. Malas lang dahil nabitawan ko ang cellphone ko.

Naglalakad ako pauwi ng pinagtitinginan ng mga tao. Sira ang polo. Sabog ang buhok. At namumula sa bugbog. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nainis. Naawa sa sarili. Natakot. Sa mga oras na ito, namamaga ang ulo ko. Nananakit ang kanang kamay. At bugbog ang aking katawan. Lilinawin ko lang, uminom ako pero hindi ako lasing ng mga oras na yun.

Monday, September 28, 2009

Rhenz, All Alone

"Rhenz, gising na. May pasok pa tayo mamaya", said Aira. I spent the night in her room because of fun chats and heavy rain yesterday. She gave me a cup of coffee and I immeadiately left after drinking it. Its 5:30am in the morning and I told Hesper that I'll be late in school. I still want to rest a bit. My class starts at 8:00am and I decided to rest after arriving at my own apartment. I woke up at exactly 8:30am and I recieved messages from my friends that I'm late again, I'm finally prepared leaving by 9:00am just to recieved another message telling me that the classes are suspended. Yes the rain outside was very strong. Still sleepy, I rested again telling myself that I will let the rain passed before I leave the apartment to come home at Cavite. Around 1:30pm when I get up to find myself stranded in my apartment. I checked my phone to read some text messages, "Rhenz, di na kami makakauwi diyan, wala kaming masakyan, ikaw muna bahala diyan ah, itaas mo yung mga gamit pag pinasok yung bahay ng tubig". I'm trying to reply but its always failed, I began to wonder why when suddenly, "tsk!", the electricity went off. "Shit! I'm dead". The rain was still falling. The light was fading. I began to panic.

All I could see, All I could hear, All I could feel was "darkness". I'm not prepared for this. I don't have foods and candles. I'm hungry. I'm out of energy. Brownout. Flood. Broken network. Alone. I'm starting to lose hope. I don't know what to do. I wonder what the others are doing. I'm scared. So I prayed, asking for contrition and help. With that, I realize that I can do something. I looked for cottonbuds, salt and oil. "I can make it". I was successful in making an unordinary candle. Each moment passed, I will look in the window even though I know nothing will happen. I just pray and pray and pray. No eating. And I finally fell asleep.

Early morning, I left. Riding 2 pedi. 3 trains. 2 jeeps. 1 bus and a tricycle to come back home to my family and to hug them tightly.

Lesson learned: A selfish person is regarded as scum. But a person who can't help himself/herslef is worse than a scum.

Wednesday, April 22, 2009

The Rain Falls, So Do My Tears

4:25 ng umaga, isang araw ng Miyerkules ay nagising na naman ako mula sa isang malalim na panaginip. Isang umaga na naman ang haharapin ko. Tinatamad akong pumasok, dahil bakasyon naman talaga ng isang regular na estudyante pero dahil sa kapabayaan ko sa pag-aaral, isa ako sa maraming minalas na papasok kahit summer. Pagkatapos mag-ayos at makaalis ng bahay, nakaramdam ako ng gutom. "Hindi nga pala ako kumain ng almusal".

Sa aking pagpasok sa UST, nag-uumpisa na pala ang klase. Ang aking mga kasama ay nagsimula ng gumawa ng experiment para sa Physics, at ng kukunin ko na ang libro sa aking bag, napansin kong hindi ko dala ang ilbro ko sa Computer Lab. Anong gagawin ko? Pano to? May Machine Problem kami mamaya.
Tinanong ko ang mmga kaibigan ko sa loob ng silid aralan na sina Ronar, KC, Christian at Gab. Sabi nila, ako ang bahala sa desisyon ko kung anong gagawin ko. Posibleng nasa bahay ang Lab Manual at naiwan ko lamang.


Natapos ang Physics Lab sa ganap na 9:00am. Hindi na muna ako papasok ng Physics at kukunin ko ang Lab Manual sa Cavite kahit gaano pa kalayo. Naku, bakit kasi nawalan ako ng cellphone at hindi ko matatanong ang mga tao sa bahay kung nandun nga. Ganap na 11:00am nang makarating ako sa bahay. Nakarating ako sa bahay ng hindi pa rin nakakakain, dumiretso agad sa kwarto. At nakita kong wala pala doon ang librong hinahanap ko. Muli, sa sugal na ginawa ko, ako ang natalo. Bakit nga ba ang malas lagi ng sitwasyon ko. Ganito pala ang nagiisa, mahirap pala talaga. Naiinggit naman ako kay Nobita. May Shizuka na, may Doraemon pa.

Kailangan kong bumalik agad ng UST para hanapin muli ang nawawala kong libro, magbabakasakaling makakakuha ako ng MP at nakuha lamang ng kaklase ko ang librong hinahanap ko. 12:30pm, habang nasa bus ako papuntang UST, nagsimulang pumatak ang malakas na ulan. Sobrang traffic ang naganap at alam kong hindi na ako aabot sa klase ko ng 1:00pm. Ang malas naman talaga, bakit ganito? 2:00pm na nang ang jeep na sinasakyan ko papuntang España ay lumiko papuntang P. Noval dahil sa sobrang baha. Bumaba ako dahil gusto ko ng lakarin hanggang España pero hindi ko pala kaya. Sinubukan kong maglakad at may nakita akong isang bus ng SM Fairview na kayang dumaan sa malaking baha, ngunit sa Dapitan dadaan. Oo sumugal uli ako, kung saan ako maaaring dalhin ng bus na iyon ay bahala na, 2:30 sa gitna ng Dapitan ay mataas rin ang baha. Maraming ng estudyanteng nagnanasang umuwi ngunit hindi nila magawa. Lumiko na ang bus papuntang Lacson at nakakita ako ng pagkakataon para makababa dahil hindi ganoon kalalim ang baha. Sa aking pagtayo sa bus, agad agad itong lumiko ng Don Quixote at hindi ako nakababa, tumuloy na ang sinasakyan ko hanggang pinilit kong makababa ng Vicente Cruz. Doon, para makapunta ng España ay nilusong ko na ang baha. Bakit nga ba? Anong hinahanap ko sa UST at bakit pinipilit kong makarating kahit wala nang klase? Pinasukan ng tubig ang aking sapatos kaya't wala na akong magagawa kundi lakarin na rin ang baha. Bumili ako ng tsinelas sa overpass at bababa ako ng UST. Saktong 3:30pm pa lang naman. Nakarating ako doon, malakas ang ulan at basang basa ako. Naghihintay na baka makita ko sila. Tumaga ang orasan sa 5:30pm, wala akong inabutan. At habang naglalakad ako pauwi ay naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mata.

Mag-isa akong natulog sa apartment ko.

Kinabukasan, nakita ko ang libro sa mesa ng aking pwesto sa Computer Lab.