Wednesday, April 22, 2009

The Rain Falls, So Do My Tears

4:25 ng umaga, isang araw ng Miyerkules ay nagising na naman ako mula sa isang malalim na panaginip. Isang umaga na naman ang haharapin ko. Tinatamad akong pumasok, dahil bakasyon naman talaga ng isang regular na estudyante pero dahil sa kapabayaan ko sa pag-aaral, isa ako sa maraming minalas na papasok kahit summer. Pagkatapos mag-ayos at makaalis ng bahay, nakaramdam ako ng gutom. "Hindi nga pala ako kumain ng almusal".

Sa aking pagpasok sa UST, nag-uumpisa na pala ang klase. Ang aking mga kasama ay nagsimula ng gumawa ng experiment para sa Physics, at ng kukunin ko na ang libro sa aking bag, napansin kong hindi ko dala ang ilbro ko sa Computer Lab. Anong gagawin ko? Pano to? May Machine Problem kami mamaya.
Tinanong ko ang mmga kaibigan ko sa loob ng silid aralan na sina Ronar, KC, Christian at Gab. Sabi nila, ako ang bahala sa desisyon ko kung anong gagawin ko. Posibleng nasa bahay ang Lab Manual at naiwan ko lamang.


Natapos ang Physics Lab sa ganap na 9:00am. Hindi na muna ako papasok ng Physics at kukunin ko ang Lab Manual sa Cavite kahit gaano pa kalayo. Naku, bakit kasi nawalan ako ng cellphone at hindi ko matatanong ang mga tao sa bahay kung nandun nga. Ganap na 11:00am nang makarating ako sa bahay. Nakarating ako sa bahay ng hindi pa rin nakakakain, dumiretso agad sa kwarto. At nakita kong wala pala doon ang librong hinahanap ko. Muli, sa sugal na ginawa ko, ako ang natalo. Bakit nga ba ang malas lagi ng sitwasyon ko. Ganito pala ang nagiisa, mahirap pala talaga. Naiinggit naman ako kay Nobita. May Shizuka na, may Doraemon pa.

Kailangan kong bumalik agad ng UST para hanapin muli ang nawawala kong libro, magbabakasakaling makakakuha ako ng MP at nakuha lamang ng kaklase ko ang librong hinahanap ko. 12:30pm, habang nasa bus ako papuntang UST, nagsimulang pumatak ang malakas na ulan. Sobrang traffic ang naganap at alam kong hindi na ako aabot sa klase ko ng 1:00pm. Ang malas naman talaga, bakit ganito? 2:00pm na nang ang jeep na sinasakyan ko papuntang España ay lumiko papuntang P. Noval dahil sa sobrang baha. Bumaba ako dahil gusto ko ng lakarin hanggang España pero hindi ko pala kaya. Sinubukan kong maglakad at may nakita akong isang bus ng SM Fairview na kayang dumaan sa malaking baha, ngunit sa Dapitan dadaan. Oo sumugal uli ako, kung saan ako maaaring dalhin ng bus na iyon ay bahala na, 2:30 sa gitna ng Dapitan ay mataas rin ang baha. Maraming ng estudyanteng nagnanasang umuwi ngunit hindi nila magawa. Lumiko na ang bus papuntang Lacson at nakakita ako ng pagkakataon para makababa dahil hindi ganoon kalalim ang baha. Sa aking pagtayo sa bus, agad agad itong lumiko ng Don Quixote at hindi ako nakababa, tumuloy na ang sinasakyan ko hanggang pinilit kong makababa ng Vicente Cruz. Doon, para makapunta ng España ay nilusong ko na ang baha. Bakit nga ba? Anong hinahanap ko sa UST at bakit pinipilit kong makarating kahit wala nang klase? Pinasukan ng tubig ang aking sapatos kaya't wala na akong magagawa kundi lakarin na rin ang baha. Bumili ako ng tsinelas sa overpass at bababa ako ng UST. Saktong 3:30pm pa lang naman. Nakarating ako doon, malakas ang ulan at basang basa ako. Naghihintay na baka makita ko sila. Tumaga ang orasan sa 5:30pm, wala akong inabutan. At habang naglalakad ako pauwi ay naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mata.

Mag-isa akong natulog sa apartment ko.

Kinabukasan, nakita ko ang libro sa mesa ng aking pwesto sa Computer Lab.

1 comment:

  1. rhenz.. kahit sino ka pa.. kahit ano pa yang ugali mo.. may tunay na nagmamahal sayo.. tandaan mo yan.. handa siyang tanggapin ka sa kanyang mga kamay at hindi ka pababayaan.. rhenz, gusto kitang tulungan dahil alam kong masakit ang iyong nadarama.. pero sana'y tulungan mo rin ang iyong sarili na ayusin ang lahat lahat sa buhay mo.. alam kong wala akong karapatan pero isa ako sa mga tao na may pakialam sayo.. na ayaw kang mapariwara.. na ayaw maging miserable ang buhay mo..

    rhenz.. tumingin ka lang sa taas.. andun lahat ang kasagutan sa kanya..

    ReplyDelete