Friday, May 8, 2009

Dear ---,

Dear ---,

alam mo ba? hindi normal para sakin ang magpost ng ganito sa blog ko? pero hindi ko alam. bakit pilit mo akong binigyan ng dahilan para ipost ito. ayokong nakikialam ng buhay ng ibang tao, ng sa ganon ay wala ring makikialam ng sa akin. hindo ko alam kung anong "cool" bakit hindi mo maalis ang masamang habbit na ito sa buhay mo. alam mo na naman na gusto ko na nang tahimik na buhay. bakit ganyan ka?

hindi ko ipinost ang blog na ito para siraan ka o ano, sa katanuyan niyan, wala akong pakialam kung mababasa mo ito o hindi. ang sakin lang, masama ang loob ko. at isa ito sa mga paraan para mabawasan ang "muhi" na nararamdaman ko para sa'yo. sa totoo lang, tapatan na. hindi ka dapat nakikialam sa kung ano mang relasyon meron kami ni, alam mo na. bakit? hindi ba halata? wala kang alam sa pag-handle ng isang relasyon at wala ka ring alam sa kung ano man ang mga nararamdaman ng mga tao na may karanasan dito. oo, maaari kang magpayo at makinig, pero hanggang dun ka na lang. dahil sa ibang lugar napupunta ang pakikialam mo sa buhay ng ibang tao na minsan, nagdudulot ng masama.

masama ako, oo? minsan? hindi? alam ko may mga pagkakataong nagiging masama ako. yan ang tingin sa akin ng mga nakararaming tao. pero dahil mas marami nga naman ang hindi ko kakilala, masama nga ba ako? alam ko nasa listahan ako ng mga taong kinasasamaan mo, pero sasabihin ko sa'yo, sa mga chismis na sinasabi mo tunkol sa akin(o samin), sa palagay mo sinong nagmumukhang masama sa mata ng kausap mo? kami? o ikaw? sa ginagawa mo, galit ako sa'yo. galit na galit ako. alam ng marami na mahaba ang pasensiya ko, kahit pikon ako. marunong akong magpatawad, pero hindi ko yan mapapangako pag-dating sa'yo.

sasabihin ko lang, kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. at makakagraduate ako sa UST kahit walang tulong ng ibang tao. ang "kapal" ng mukha mo(sobrang kapal) para palabasing nanggagamit ako ng tao. kahit sa mga magulang ko ayoko nang iasa ang mga problema ko, kahit kanino hindi na ako nagsasabi, maliban na lamang sa blog na ito, tapos ipapamukha mo na nanggagamit ako ng tao para makaraos sa mga problema ko. kung ikaw nga, kapag may problema ka. doon mo lang ako nilalapitan (bukod sa may sisiraan kang tao sakin), pero hindi ka nakarinig ng kahit na anong "rejection" mula sakin. isa pa ayokong manumbat, pero kung iyon ang tingin mo sakin. uunahan na kita. bago ako maging ganon, siguro ikaw muna.

hindi ko naman pwedeng basta na lang patulan ka, una sa kadahilanang babae ka, at hindi tayo magkaantas sa lahat ng kategoriya. mabasa mo man ito o hindi. wala akong pakialam. naglabas lang ako ng nararamdaman kong "muhi" sa pinakamabuting paraan. iyon lamang.

PS: kung magpapatuloy kang ganyan, hindi na ako magtataka kung isang araw na lang, magigising kang wala ka nang kaibigan. so long.

1 comment:

  1. woi! sino yan? haaaayy.. sna maging maayos na ang lahat through God's will and grace..

    ReplyDelete