Outside View
(hindi pa nasscan nung friend ko na si Cierine yung invitation na binigay ko sa kanya eh. to follow na lang yung picture ha?)
First Story
Living Room
sakto lang naman yung sala namin sa baba. nilagyan ni Mama ng aircon pero masyado namang open. haha. sabagay diskarte na niya yun. basta ba lalagyan din ng aircon yung room ko ok lang sakin. tapos ayan, may piano rin pala. matagal nang piano ni ate yan bata pa siya. =)
Guest's Room
ito yung kwarto na pwedeng tulugan ng bisita. haha. halata naman eh. walang unan oh. nakakatuwa. pansin niyo yung cross stitch na angel? si Mama tumahi nun. :) ayon simple lang, pero ewan ko bakit cyan ang kulay niyan.
ayan yung kusina, haha. actually nagtaka ko bakit nag-pagawa si Mommy at Daddy ng tavern diyan. haha. ganon siguro nila kamahal yung mga lumang alak nila na mas sumasarap daw pag mas tumatagal. :)
Stairs
ayan yung hagdan. 13 steps daw yan eh. ewan ko ba. may mga pamahiin pa sila about dun sa oro plata mata. di ko nga alam yun eh. haha. sa kanila na yun.
Second Story
ayan naman yung sala sa taas. tapos yung isang pic naman yung corridor. haha. parang eskwelahan lang ah. aion.
ito yung tambayan sa taas. wala bang laman? haha. yan ang perfect place sa inuman. (though hindi pa ko nakakainom sa bahay. bawal eh. =D)
Balcony
ito yung tambayan sa taas. wala bang laman? haha. yan ang perfect place sa inuman. (though hindi pa ko nakakainom sa bahay. bawal eh. =D)
Bedroom #1 (Kay Ate)
hindi ko alam sa kanya bakit red yung pinakulay niya. tapos after matapos nung bahay nakikipag-palit siya sakin. haha. sorry nakuhanan ko sarili ko ng pic sa salamin. :D
Comfort Room # 2
sa totoo lang may c.r. din sa 1st floor, nakalimutan ko lang kunan ng picture. =)
ito yung c.r. namin sa 2nd floor. ito rin yung pinaka-ginagamit sa lahat. haha. yung nasa baba kasi para sa mga bisita. yung isa naman, para lang kay Daddy tsaka Mommy.
Comfort Room # 3
haha. astig yung bath tub nila na ayaw ipagamit sakin. haha. actually isang beses pa lang ako naka-experience mag-bath tub. sa hotel pa lang nung debut ni ate sa island cove. :)
Bedroom # 2 (Kay Kuya)
ito yung kwarto ni engineer. haha. di naman halatang dito ako tumatambay pag wala siya. may ebidensiya pa nga ng psp ko oh. tsaka nung jacket ni Aira. :p
Bedroom # 3 (Kina Daddy at Mommy)
sila yung may pinakamalaking kwarto. pero sila din yung may pinakamalaking kama. kaya isang angle lang nakuhanan ko ng picture eh kasi naman ang hirap angguluhan. hay ewan. pero pag pumasok ka sa kanila, hanggang ngayon amoy pa rin yung pag-kabago nung kama. haha. =)
Bedroom # 4 (My Room =D)
and last but not the least, ito yung kwarto ng prinsipe. este, kwarto ko pala. haha. sorry naman ah. pink talaga gusto ko ipakulay diyan eh. haha. sa lahat ng kwarto, ako lang ang may TV. oha oha. haha. plinano ko talaga na baby pink pati baby blue yung combination niyan. wala pa kasing kurtina e. pag meron na, baby blue yung kulay.
at ayan na po yung bahay namin. haha. pasensiya na kasi wala naman akong talent sa pag-kuha ng litrato pero ok naman siya. haha. sana. salamat po sa pag-basa at sana nag-enjoy kayo sa cyber tour ko sa aming tahanan. =)