Does everyone have the right to be happy? if yes, why does it feels no to me?
"Happiness is a choice". Yan ang isa sa mga bagay na binanggit sa akin nuon ng isang taong nagpapasaya ngayon sa buhay ko. Matagal na panahon na noong sinabi niya sa akin yan, at pinaniwalaan ko. Ang kasiyahan naman ay maraming klase, maaaring masaya ka dahil sa mga kaibigan mo, dahil nakukuha mo ang mga luho mo o dahil pinalad kang magkaroon ng mga magulang na maipagmamalaki mo. Ilan lamang yan sa mga bagay na nagbibigay ng saya, pero mararamdaman mo ang totoong saya kapag kuntento ka na sa buhay mo at wala ka nang hinihingi pa. Pero kailan mo mararamdaman ang ganon? Kapag masaya ka dahil sa mga nakatala sa taas, at masaya ka dahil nakakaramdam ka ng pagmamahal.
Yung ganong kasayahan, medyo matagal ko na ring hindi nararamdaman. Oo masaya ako dahil sa mga kaibigan ko, sa mga luho at sa mga magulang ko pero alam kong hindi pa ganap dahil may kulang. Hindi naman ako nag-hahangad. Isa nga sa mga bagay na lagi kong sinasabi nuon kay Nadine kapag kinakamusta niya ang lovelife ko at sasagutin ko siya ng wala e, "hindi naman kasi hinahanap yun. dumarating lang."
Kaso ngayon, pakiramdam ko hanggang nasa UST pa ko ay hindi ako makakaramdam ng ganitong kasiyahan. Hindi naman kasi ako madaling mafall. At isa pa, nakagawa ako ng isang napakalaking PAGKAKAMALI sa buhay ko. Sabi nang iba, marerealize mo ang ilang mga bagay kapag wala na sila sa'yo. Oo, narealize ko nga na isang napakalaking pagkakamali ang ginawa ko nuon. Isang buwan lang naman yung tama eh, sige sabihin na nating dalawa. Pero apat na buwan akong nahirapan at nagtangka bago makaalis sa isang pagkakamali na pagkatapos ay inakala kong tapos na nga, pero malabo pala.
"alam mo minsan nahihiya akong sumama sa'yo. nahihiya kasi ako kay ". Yan ang sinabi niya. Eh ano? Anong pakialam ko? Bakit ba ganon? Pwede namang hindi na ganon di ba? Lalo ko tuloy nararamdaman kung gaano ako ka***** dahil sa pagkakamaling nagawa ko nuon eh. Na posibleng maging dahilan kung bakit nawala ang paniniwala ko sa itinuro sakin nung taong nagpapasaya ngayon sakin. Dahil pakiramdam ko, wala na kong karapatang maging masaya dahil nasa UST ako. Na magiging masaya lang ako pag inalis ko na sa UST ang mundo ko. Na bakit hindi ko naisip na mangyayari ito ng dahil sa nakakairitang ugali ng isang tao.
P.S. (para sa makakabasa, wag na sanang ilabas at gawing isyu. pinost ko ito para may makausap ako. hindi para pag-usapan ako.)
No comments:
Post a Comment