Saturday, July 31, 2010

Smile

"A smile, even if it is fake, can get you out of a tough situation." -Sai(Naruto)

Nagtaka lang ako. May mga tao kasing hindi naniniwala sakin kapag kinakamusta nila ako at sasabihin ko na "hindi ok." Madalas daw kasi pag nakikita nila ko, nakangiti, parang walang problema at masaya. Ganon din ba nakikita niyo? Siguro. Hindi ko rin alam bakit nga ba palangiti ako. Minsan ata masama din yung ganon. Ewan ko lang ah. Ewan ko.

Minsan masama daw. Pero para sakin minsan nakakabuti rin. Palangiti nga ako, pero hindi ibig sabihin nuon masaya ako. Minsan kailangan para hindi mag-isip ang mga taong nag-aalala sa'yo. Minsan kailangan para hindi isipin ng isang tao na nasaktan ka niya kahit sobra yung nagawa niya sa'yo. At minsan, kailangan para walang magbago.

I usually use fake smiles. Alam ng mga taong nakakakilala sakin yan. Fake smile sa chat, fake smile sa text at kahit pa sa tunay na buhay. Pero sa ngayon, naisip ko lang. Ang pag-ngiti, fake man o totoo, sinadya man o hindi, ay magiging isang bagay na kakampi mo sa buhay mo para itago o ilabas ang isang bagay na nararamdaman mo. May mga pagkaktaon kasi na mas nakakabuti ang fake sa totoo. At mas nakakabuti ang totoo sa fake.

Learn to smile. Real. And even fake.

"A smile is the easiest way out of a difficult situation." -Sakura(Naruto)

No comments:

Post a Comment