Saturday, October 24, 2009

Ambush.. Gangbang.. Hutaena..

Kakatapos lang ng finals at masaya ang araw ko. Marami akong kasama. Nag-enjoy kami lahat. Kumain. Uminom. Nagkwentuhan. Noong bago kami pumunta sa Trinoma ay marami talaga kami, pero sa inuman ay konti lamang ang natira. Ako, sina Recee, Ronar, Cierine, Pau, Homer, Angelo, Christian, Leo, Alec at Ayban. Uwian na, at inihatid ko si Cierine sa bahay nila.

Masaya na ang gabi ko. Kumpleto. At nag-darasal na regular ako next sem. Nagtetext ako nuon at naglalakad. Mula sa Lacson St. ay tumawid ako. Naglalakad ako sa EspaƱa, at pagdating ko sa madilim na overpass ay biglang. Boom! Isang matigas na bagay ang tumama sa likod ko. Mayroong malaking lalaking humawak sa likod ko at 5 ibang mukha ang sumuntok sa akin sa katawan. Puro sa tiyan, at sa ulo. Hindi naman lahat ay nakibugbog. Ewan ko, paano ko malalaman kung nakayuko ako. Sa lakas ng mga suntok nila ay nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Bumagsak ito, nakalas. Pinulot ito ng isa sa kanila at habang wala na kong lakas para tumayo ay nagtakbuhan na sila. Nabilang ko, 8. Ang isa ay nadala pa ang bag ko ngunit nahawakan ko rin at binitawan niya matapos kong masuntok ng isa. Marahil ay napagtripan lang ako, wala silang balak kumuha ng kahit na ano. Malas lang dahil nabitawan ko ang cellphone ko.

Naglalakad ako pauwi ng pinagtitinginan ng mga tao. Sira ang polo. Sabog ang buhok. At namumula sa bugbog. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nainis. Naawa sa sarili. Natakot. Sa mga oras na ito, namamaga ang ulo ko. Nananakit ang kanang kamay. At bugbog ang aking katawan. Lilinawin ko lang, uminom ako pero hindi ako lasing ng mga oras na yun.