Monday, August 30, 2010

Ewan

For Girl 1

ang pag-mamahal mo sa akin ay walang patutunguhan
tarantado ang puso ko at hindi matuturuan
na umibig ng tapat pagka't lahat sakin laro lang
at ako ang pasimuno pag-dating sa kagaguhan.

kasagutan ang tanong kung pano ba ko magmahal
kalabuan ang tugon, hindi makuha ng dasal
di makuhang magpigil aking mukha sa pagkapal
sa una lang bumabait, na didemonyo pag tagal.

ayokong masaktan kita, kaya lumayo ka na sa akin
madami d'yang iba kasi ayoko na danasin
mo sa piling ko, aminin ko gusto kita
eh di rin to malulutas, makinig ka nga sa sasabihin ko.

iwanan mo ko gaga, sakin di ka liligaya
dahil hindi ako kagaya ng iba hindi ko kaya
na baguhin ang sarili, gusto ko'y maging malaya
talagang mapaglaro, ang puso ko'y sadyang madaya.

sa babaeng pinaluha, gusto mo pang mapabilang
at kung gagawin sayo? para sakin madali lang
pero pag ginawa ko, sakin meron ding sakit
at bakit meron ding pait.

(teka, para bang mali ah?)

mga nararamdaman eh tang ina naman kasi
nagmamahal ka ng lalaki na wala namang paki
ibahin mo ang pagtingin, pilitin mong hindi ako
kung may pusong mabibigo, ang gusto ko hindi sa'yo.

kasi hindi ka naging iba sana makaintindi ka
ginagawa ko to kasi ikaw ay mahalaga
kaya sige na iwan mo na ko,
bakit ba kasi minamahal mo pa ako?

For Girl 2

martir ka ba sa pag-ibig kaya pilit kang nabalik
kahit na sakit lang ang nagiging kapalit
o manhid ka lang kaya di mo mabatid
na oo mahal kita pero bilang kapatid.

kapit ka ng kapit, wala ka nang makakapitan
lapit pa ng lapit, wala na bang malalapitan?
hindi na kita love kaya tama na ang kadramahan
pwede ba pa help ka na, nalala na'ng katangahan.

bakit mo ba binatak ang tinulak kong droga
na awit kahit alam mo na lahat ng sinabi kong linya
ay bola lang, boka lang upang makuha ka
ba't ka nag adik sa akin yan tuloy na loka ka.

nak ng tupa,daig mo pa ang taga-hanga
na nakahawak sa pangarap na tayong nakatadhana
salamat sa lahat pero patawad pa rin
pagka't magkaiba na ang nakaguhit sa palad natin.

at yung balak natin na noon ay makasal
mangyayari pa rin 'yon pero wag kang maasar
kung di ikaw yung gusto kong makatabi sa altar
alam mo ba kung bakit? kasi di na kita mahal.

kaya bakit hindi ka nalang makinig sa aking payo
lumayo ka na at malabo na na maging tayo
kasi may mahal na ako at di ikaw yun
at kahit anong gawin mo, di ako bibitaw dun.

Wednesday, August 4, 2010

Silvers
















"..Make new friends but keep the old..
..cause the new are silvers, and the old are golds.."

To all my golds, just want to share this silvers with you guys.

My new circle of friends in the Electrical Engineering Department. :D

(From Left to Right)
Reggae, Guba, Rhenz, Kim, Rap and Aira.

As for the characteristics, you will know it some other time. :)